Bago mag sign-up para gumawa ng blog, mahalagang pag-isipan ang mga sumusunod.
1. Tema ng Iyong Blog. Ano ang gusto mong e blog? Patungkol sa anong tema? Gusto mo ba ng personal blog? trip mo bang puro sports? celebrity tsismis? fashion? etcetera…etcetera.
2. Magbabasa/ Bisita. Mahalagang isa-alang alang kung sino ang target mong magbabasa ng iyong blog, ang iyong audience. Isipin ang mga bagay na interesting para sa kanila. Makakatagpo ka ng mga kaibigan online, mga kapwa bloggers na gumagala at nagbabasa rin sa ibang mga blogs. Kapag marami-rami ka nang tagasubaybay, maeenganyo ka at mag eenjoy ka sa mga komento at reviews nila.
3. Titulo ng Iyong Kabuuang Blog. Matapos mong mapagdesisyonan kung anong klase ng blog ang gusto mong isulat, at matapos mapagtuunan ng pansin ang iyong target readers, pag-isipan kung ano ang gusto mong Blog Title. Ang titulo ng iyong blog ay isa sa mga pinakamahalang bagay na kinokonsidera lalo na kung may target kang pokus na tema dahil madalas, ang pangalan ng iyong blog o’ titulo ang unang nagbibigay ng impresyon kung sa alin ito patungkol. Nakakaapekto rin ang iyong Blog Title para sa iyong Blog rank o’ ang tinatawag ng karamihan na “page rank“.
{ 0 comments }

